;
Ekslusibong nakapanayam ng Romblon News Network ang isa sa mga nakaligtas sa madilim na aksidente sa dagat ng Romblon, Romblon nitong Biyernes ng hapon. Ayon kay Shane Relox Vea, maganda naman umano ang panahon ng umalis sila sa Magdiwang nitong umaga ng Biyernes ngunit pagdating umano nila sa kalagitnaan ng biyahe bigla umanong lumakas ang alon.
"Before po lumubog yung bangka meron pong malakas na tunog banda sa may katig. Tapos sabi daw yung mga nakatali sa katig naputol. Di ko lang po malaman kung ano tawag dun eh," ayon kay Vea.
"Tsaka nagsitinginan na kami kung ano yung tumunog tapos sabi po ng kapitan wala lang daw po yun..kaya mejo narelieve naman po kami," dagdag nito.
"Pero sabi po nung isa kong kasama na survivor bago daw siya sumakay napansin niya daw po na bali na daw yung tarik," dagdag pa nito.
Maya-maya bigla na umanong tumaob ang bangkang sinasakyan nila. Agad naman umano silang lumangoy paahon at lumabas sa bangka ngunit may ilan parin umanong pasaherong naiwan sa loob ng sila ay makaahon.
"Opo lumangoy din po ako nun kasi nakalabas din naman ako agad. Sa may katig po ako nakahawak nun tapos po sumampa kami sa may kasko," pahayag ni Vea.
"Yung kapitan din po nagsabi na ipo ipo yung nagpataob samin pero sigurado naman po na ipo ipo yun kasi nataob na po yung bangka ng ilang segundo lang. Di ko naman po napansin talaga kasi nung time na yun nahihilo ako at nagsusuka kaya papikit-pikit din po ako nun," sagot ni Shane ng tanungin ng Romblon News Team kung may ipo-ipo ba talaga.
"Natatakot po kami nun na baka walang makakita samin agad at abutin kami ng gabi. Nagsisigaw din po kami nun ng tulong tsaka winawagayway namin yung life jacket tapos yung iba po white tshirt naman ang winawagayway nila," pagpapatuloy ni Shane sa kanyang kwento.
Makalipas umano ang halos dalawang oras na nasa tubig, dumating ang mga rescue na mangingisda galing sa Sitio Agdapdap. Wala rin umano silang nadalang gamit galing sa bangka hanggang nitong Sabado ay makuha nila ang kanilang backpack na narecover ng Municipal Police Station pero ang kanyang maleta na may lamang mga damit ay hindi na nakuha. Nasa Manila na ngayon si Vea para ipagpatuloy ang kanyang buhay sa lungsod, malayo sa pinangyarihan ng malagim na aksidente nitong Biyernes na kung saan kumitil sa 7 buhay.